top of page

Types of Filipino people during the Enhanced Community Quarantine

Updated: Jul 28, 2020



IT’S Easter Sunday na, and this means na may new opportunities nanaman tayo to strive for the better. Of course, kailangan din natin magbalik-tanaw sa mga nangyari sa atin in the past para maganda ang maging future natin.


Like one month after i-implement ang enhanced community quarantine, sure tayo na meron tayong iba’t ibang ways para ilibang ang sarili natin or to help others during these challenging times. Here are the types of Filipino people during quarantine:


1. Kain ng Kain—sila ang mga tao na super blessed kasi marami silang supplies, kaya ngayong quarantine mukbang gaming lang sila.


2. Workout ng workout—sila ang mga tao na hindi mapipigilan ang pagiging healthy, kaya pawis pawis pa rin kahit na nasa bahay lang.


3. TikTok ng TikTok—sila ang mga tao na nalibang na masyado during quarantine kaya naging super creative na sa mga videos na shinu-shoot.


4. Worry ng worry—sila ang mga taong sobrang anxious ngayong quarantine, kailangan sila palaging samahan.


5. Reklamo ng reklamo—sila ang mga taong may opinion sa mga bagay-bagay, huwag sila awayin dapat kausapin sila ng maayos kasi ngayon kailangan natin maging united as a community.


6. Work ng work—sila ang mga taong workaholic, kahit na quarantine eh ariba pa rin sa pag-wo-work from home.


7. Labas ng labas—sila ang mga front-liners natin sa bahay kasi sila ang bumibili sa grocery habang tayo ay chill lang sa bahay, huwag sila inisin, pakisalamatan sila.


8. TV ng TV—sila ang mga tao na nililibang nalang ang sarili, pero minsan sila rin ang updated sa mga nangyayari sa labas kasi marathon sila sa balita.


9. Pray ng pray (Holy Week)—sila ang mga warriors natin sa faith, wala man sila magawa na physical, gusto nila na lahat tayo ay safe ngayong quarantine.


10. Help ng help—sila ang mga fortunate people na gumagawa ng paraan para matulungan ang mga front-liners at less fortunate, mabibigyan sila ng good karma someday.


11. Zoom ng Zoom—sila ang mga taong workaholic man o sadyang gusto lang makipag-chismisan sa mga kaibigan at kamustahin ang mga kamag-anak.


12. Tulog ng Tulog—sila ang mga taong kakagising lang, iniisip agad anong oras matutulog.


13. Annyeong ng Annyeong—sila ang mga adik sa TV, pero sa K-drama mas nagtutuon ng pansin.


14. Internet ng Internet—sila ang mga social media is life, scroll lang ng scroll at pabida na lagi nagpo-post sa Facebook, Twitter at ibang social media sites tungkol sa mga buhay buhay nila.


15. Games ng Games—sila ang mga taong naadik na maglaro mg online games, nonstop na kahit red na ang mata.


Even though iba iba tayo mg coping mechanism sa stress and anxiety na na-fi-feel natin, this does not change the fact na dapat maging sensitive pa rin tayo sa na-fi-feel ng iba and to always be a blessing to others.


Besides, itong mga experience na nararanasan natin ay dapat makapagbigay sa atin ng lessons upang maging better people in the long run.

17 views0 comments

Comments


bottom of page