Five Ways para malaman kung ‘Fake News’ ang nabasa mo

Updated: Jul 28, 2020


NGAYONG nasa enhanced community quarantine ang Pilipinas, hindi maiiwasan na may mga “fake news”—mga information na hindi totoo or mali—na mababasa sa Internet.


Mas lalo na ngayon na karamihan sa atin ay nasa bahay lamang at ang mga medium for news information ay TV at social media, hindi maiiwasan na may ma-scroll ka sa iyong social media feed na isang fake news post.


Para hindi tayo mabiktima ng mga ganitong post sa social media, ito ang mga kailangan alalahanin habang nakababad ka sa social media:


  • Look into the news agency’s credibility

KAHIT gaano kaganda ang news story, kailangan mo pa rin alamin kung credible ba ‘yung nagsulat ng news.


Madalas ng mga nagsusulat or nagbabalita ng fake news talaga ay mga magagaling gumawa ng storya, kaya dapat talaga ang mga sinusubaybayan mo lang na mga news outlets ay ‘yung mga credible at kilala sa pagiging newsworthy ng articles or posts na nilalagay sa social media.


  • Check important facts and errors

MINSAN din, hindi maiiwasan na may mga fake news na sobrang iba ang facts na nilalagay sa stories—that is mostly why fake news exist, para makapaglito ng tao sa nangyayari ngayon.


Kaya it is very important for you as a news consumer na to double check facts, dates, etc. every time. Mas lalo na ngayon na nasa top pa rin ang COVID-19 pandemic, kailangan ang mga alam lang natin na balita tungkol doon ay factual para hindi ma-risk ang ating health and safety.


  • Check the sources and citations

ISA pang madalas na binabalewala ng mga fake news creators ay ang mga sources na ginagamit nila. Ito rin ay kailangan mong alamin kung totoo ang sources na nakalagay sa mga news na nababasa mo sa social media.


Ang mga fake news kasi, nag-iimbento lang sila, kaya malalaman mo na fake news ang isang post ay kapag ang mga sources nito ay hindi mo naman makikita kapag ni-research mo.


  • Check the timeliness

HINDI lahat ng fake news ay imbento, ang iba ay outdated. Bago ka mag-share ng balita sa social media, alamin mo muna kung timely ba ang pagkakasulat. Madalas kasi ito ang hindi na pinapansin ng mga tao kapag nagbabasa ng balita sa social media.


Isang example nito ay mga suspension. Minsan, may kakalat na mga balita na suspended na ang pasukan, pero kapag pinansin mo ang news story; nasulat na ang balita nung nakaraang taon pa. Ito ang dapat mong palaging tignan kapag nagbabasa ka ng balita—date—para up to date ka palagi sa mga nangyayari.


  • Triangulate

IF pakiramdam mo ang nababasa mong news story ay authentic naman, ugaliin mo nalang na tignan ang mga ibang news outlet kung medyo parehas sila ng nilalaman doon sa nabasa mong balita.


Kapag totoo kasi ang isang balita, malamang sa malamang, medyo parehas lang ang mga news stories na ito sa iba na na-publish sa ibang news outlet.


Kaya maganda rin na hindi lang isang news outlet ang sinusundan mo, para meron kang mapagkukumparahan ng mga balita at makita mo kung totoong information iyon o kung fake news.



Posted by: MJ Fernandez, Sales and Content Writer Associate

[April 13, 2020]

60 views

Recent Posts

See All