BEING a mom or a father of a toddler is a challenging role because at this age, the child needs someone who can make sure that she continues to develop into becoming smart, healthy and strong.
Mommy Mariel Padilla, a well-known celebrity Mom, shares some of the activities that she and Isabella, her first born, currently two years-old, love to do during this quarantine and how are they bonding together with a twist.
Pagtuturo ng Tamang Handwashing
Unahin na natin ang pagtuturo kung paano ang proper hygiene sa ating mga anak. Now we’re having this pandemic caused by virus or germs maaaring mag bond ang mommy, baby at pamilya sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanila ng tamang paghuhugas ng mga kamay. Dahil dito, natututo ang ating mga anak na panatilihing malinis ang kanyang pangangatawan at naiintindihan niya ang self care and discipline sa kaniyang sarili. Tulad ni Mommy Mariel and Isabella, hindi nakakalimot ang dalawa na maging malinis sa katawan bago gumawa ng anumang activities na kanilang gustong gawin sa buong mag hapon.
Learning to Draw An Artwork
Now that we are under Enhanced Community Quarantine, Mommy Mariel and Isabella also find time to do some artwork. Isa ito sa mga epektibong pamamaraan upang maturuan ang ating mga anak to bring out their creativity and productivity kahit sila’y nasa bahay lamang. Nagsisimula sila maging creative when we teach them to think and draw about something that makes them happy, what do they see around, or even how do they feel.
Card-making for Thoughts and Love
Hindi rin nakalimutan nila Mommy Mariel and Isabella na bigyan pagpupugay ang ating mga bagong bayani. Naisipan nilang bigyan ng card with their hand painting ang mga ito upang maibuhos at maiparamdam ang suporta at appreciation sa kanila. Hindi man nila ito maipadama personally but in their thoughts and through their hand paint nila ito ginawa. Ang mga toddlers ay natututunan din ang pagiging affectionate at pagtulong sa kapwa by doing and knowing this kind of activity.
Staying Healthy
Sa mga bonding activities hindi din dapat palampasin na turuan ang ating mga kids to stay healthy. During snack time with them, mahalaga na iexplain sa kanila ang pagkain ng healthy food para makaiwas sa sakit at para lumaking strong and smart. Ugaliin din natin sabayang kumain ang ating mga anak upang mahikayat rin sila at madala nila ito sa kanilang pagtanda. Maalala niya na ang mga prutas at gulay ay nakakapagbigay ng masustansya at magandang resistensiya para sa kaniyang pangangatawan.
Ito lamang ay ilan sa mga magagandang bonding activities nila Mommy Mariel at Baby Isabella sa isang araw. Ang bonding at pagsuporta sa gusto nang ating mga kids ay magdudulot ng saya at productivity mindset for them. Kaya naman patuloy lang silang gabayan at huwag matakot na mag discover ng mga magagandang gawain kasama ang ating mga anak at ang pamilya.
Watch out for more nakakatuwang play time with Mommy Ma and Baby Isabella here:
How about you Mommies and Daddies? What activities have you done with the kids lately? Share with us and comment below.
Comments